Act Now: Ask your Representative to support the PRC!

Connect

Tungkol sa Paralysis Resource Center

Pagkamit sa “Pag-aalaga Ngayon”

Ang Paralysis Resource Center (PRC) ay ang bahagi ng Reeve Foundation para sa suporta na may kinalaman sa dobleng misyon namin, ang makapagbigay ng “Pag-aalaga Ngayon” at para magsikap sa “Lunas sa Kinabukasan”. Kami ay isang libre, komprehensibo, at pambansang pinagkukuhanan ng impormasyon para makapagbigay suporta sa mga taong namumuhay nang may paralysis at sa kanilang mga tagapag-alaga. Ang aming pangunahing layunin ay upang mapalakas ang pagkikisama sa pamayanan, itaguyod ang kalusugan at pagbutihin ang kalidad ng buhay.

Ang aming mga information specialist ay sinanay para tulungan ang sinuman – mula sa bagong mga paralisadong indibidwal at ang mga miyembro ng kanilang pamilya, hanggang sa mga taong namumuhay na matagal-tagal nang may kapansanan – dahil sinubukan nilang mag-navigate sa kanilang nagbabagong mundo at ang mga serbisyong available sa kanila. Kami ay kumukuha mula sa iba’t-ibang impormasyon at kadalubhasaan para makabuo ng mga pinasadyang plano at pamamaraan para maibalik ang mga indibidwal na namumuhay nang may paralysis sa kanilang mga komunidad at magkaroon agad ng mabuting kapakanan.

Ang lawak at lalim ng aming kaalaman at mga koneksyon ay sumasaklaw sa maraming mga wika, pati na rin ang lahat mula sa kung ano ang aasahan sa rehab, hanggang sa pinakamahusay na mga programa ng palitan ng kagamitan, sa mga network ng suporta ng kapwa.

Mga Karagdagang Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng PRC

Ang PRC ay naghahandog ng iba’t-ibang mga serbisyo, mga komunidad, at programa, kabilang ang:

Quality of Life grants para sa mga non-profit na programa at proyektong nakatuon tungo sa pagpapahusay ng kalidad ng buhay para sa mga indibiduwal na may paralysis.

Peer & Family Support Program, itinataguyod ang peer-to-peer na suporta, sa pamamagitan ng mga bihasa at sertipikadong tagapagturo.

Advocacy/Policy programs nilikha para hindi lang tumulong sa mga indibidwal na ipagtanggol ang kanilang sarili, ngunit mapasulong rin ang mahahalagang mga isyu para sa mas nakalalaking komunidad ng mga indibidwal na may paralysis.

Military & Veterans Program (MVP), nilikha para suportahan ang mga bukod-tanging pangangailangan ng kasalukuyang mga miyembro ng serbisyo at mga beterano, kailan man sila napaglingkuran o kung paano natamo ang pinsala.

Isang komprehensibong Multicultural Outreach Program na nakatuon sa paglilingkod at pagtataguyod ng pinahusay na kalidad ng buhay para sa mga miyembro ng minorya at ang mga hindi masyado napaglilingkuran na komunidad.

Paralysis Resource Guide isa itong libreng 442-pahina na libro, isang komprehensibong at may nakalarawan na paraan ng impormasyon para sa mga taong naapektuhan ng paralysis at para doon sa mga nag-aalaga sa kanila. Ang gabay na ito ay available sa maraming iba’t-ibang wika, mga electronic na format at hard copy. Ang lahat ng mga format ay libre. Kumuha na ng inyong kopya.

Kasamang itinatag nina Christopher at Dana Reeve habang sila ay nagsumikap na makahanap ng mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong upang matulungan ang kanilang pamilya na makahanap ng isang bagong normalidad matapos ang spinal cord injury, nakatuon ang PRC sa pang-araw-araw na mga hamon ng pamumuhay ng isang malaya at kasiya-siyang buhay.

Ang PRC ay pinopundohan sa pamamagitan ng isang kasunduang kooperatiba sa programa ng US Department of Health and Human Service’s Administration para sa Community Living program (grant number 90PRRC0002). Dahil dito, ang mga serbisyo ng PRC ay ganap na libre.